Huwebes, Oktubre 8, 2015

Sanaysay

Sanaysay

Ano ang cyberbullying? Ito ang pang-aapi gamit ang ano mang electronic device, tulad ng email, instant messaging, text, blogs, websites, tweets, status messages, video chats. Maaari itong makita kapag may nagpadala sa iyo ng mapang-insulto na email, status o tweet na gamit ang computer, cellphone o tablet. Cyberbullying din ang pagkalat ng mapanirang mga salita, pagnakaw ng password or pagbabanta sa ibang tao gamit ang ibang pangalan o identity. O paggawa ng website na tumitira lamang sa iisang tao. Marami sa mga ito ang mga tinatawag na trolls o mga taong walang magawa kundi masamain ang kapwa.
Ano ang maaari nating gawin kapag tayo ang biktima ng cyberbullying? Huwag patulan ang kanilang ginagawa. Huwag magsend ng masakit din na email, o kutyain ang mga nang-aapi sa inyo. Laging alalahanin na ang gusto nila ay ang iyong attention. Sabi ng isang twitfriend ko, “Don’t feed the trolls, father!” Naranasan ko na ring murahin sa twitter. Dahil kung kukutyain mo sila sa internet, makikita ng ibang tao na wala kang pinag-iba sa mga mang-aaping iyon. Sa kabilang banda, ipakita mo pa rin ang iyong pagiging mabuting tao. Kaya, i-unfriend mo o i-block mo na lang. Higit sa lahat, kung kilala mo, lalung-lalo na sa eskuwelahan, isumbong mo sa nanunungkulan. Mga kapamilya, manalangin po tayong gawin ang utos ng Diyos na mahalin ang ating mga kaaway.

Marami na ang nakakaranas nito, at maraming tao na ang hindi ma handle ang mga ganitong sitwasyon. Naawa ako sa mga taong nakakaranas ng Cyber Bullying. Hindi ko rin ma gets yung mga taong na bubully, kung bakit sila nag papaapekto sa mga taong wala namang kinalaman sa buhay nila, na bakit mas pinapaniwalaan nila yung sinasabi ng tao kesa sa sarili mismo nila.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanila yun.. Kung pwede ko lang sabihin na huwag nilang hahayaan na ma cyber bully sila, na wag na nilang patulan yung mga bagay na naninira sa kanila. In the first place, kung alam mo namang hindi totoo, bakit mo pa papatulan hindi ba? Doon lumalala at gumugulo ang buhay mo eh, sa pagpatol. Pinapalabas mo na totoo kasi nga may dinidepensahan ka.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento